Bakit umiiyak ang mga Babae.?


Natanong mo na ba ang nanay mo bakit siya umiiyak?.

Natanong mo na ba ang girlfriend mo bakit siya umiiyak?

Natanong mo na ba ang kaibigan mo kung bakit siya naiyak?

Natanong mo na ba ang kahit sinong babae kung ano ang dahilan kung bakit konting kibot lang nasasaktan at umiiyak na sila?

Meron akong ise-share na istorya ngayon. Alam ko hindi ko sariling istorya ito at nabasa ko lamang sa isang manunulat. Pero may narealize ako. Nalaman ko ang dahilan kung bakit nilikha ng Panginoon ang mga babae.

Sisimulan ko na ang kuwento. Pakiusap, buksan ang pangunawa.

Merong isang bata, tinanong niya ung nanay niya kung bakit siya umiiyak:

Bata: Nay bakit po kayo umiiyak?

Nanay: Dahil ako ay babae.

Niyakap niya ang kanyang anak at sinabing:

Nanay: At hinding hindi mo mauunawaan.

At sinabi ng Tatay sa kanyang anak:

Tatay:  Lahat ng babae umiiyak na lamang kahit walang dahilan.

At ang batang lalaki ay lumaki at naging isang matipunong binata at nasa isipan pa rin niya at laging tinatanong ang sarili kung bakit umiiyak ang babae kahit walang dahilan.

At sa bandang huli tinawag niya ang Diyos para doon ito itanong:

Boy: Ama, bakit po ganon na lamang kadaling umiyak ang mga babae?. Talaga po bang sensitive sila?.

Agad namang sinagot ng Amang Diyos.

Diyos: Nang nilikha ko si eba , ginawa ko siyang napaka-espesyal. Ginawa kong malakas ang kanyang mga braso upang kayanin niyang pasanin ang bigat ng mundo.

Binigyan ko siya ng pambihirang lakas upang makapagbigay buhay at kayanin ang mga pagsuway ng kanyang anak sa kanya.

Binigyan ko siya ng katatagan upang maging matibay sa lahat ng oras at kayanin ang pangangalaga sa kanyang pamilya kahit may dinaramdam ng walang pagrereklamo.

Binigyan ko siya ng lakas upang pagsisihan ng kanyang asawa ang mga pagkakamali nitong ginawa at maging taga-alaga ng kanyang puso.

Binigyan ko siya ng katalinuhan upang malaman na ang mabuting mister ay hindi sinasaktan ang kanyang misis, pero minsan sinusubok ang kanyang katatagan at magawang maayos ang anumang gulo sa kanilang pagsasama.

At pang wakas, binigyan ko siya ng “Luha” upang ilabas ang kanyang hirap na nararanasan at kanyang gamitin sa tuwing siya ay nawawalan ng lakas.

Nakita mo anak?. “Na ang kagandahan ng isang babae ay hindi makikita sa sinusuot niyang damit, sa kanyang dinadalang katawan, o sa paraan kung paano siya magsuklay, Kundi ang kagandahan nila ay makikita sa kanilang mga mata , dahil ito ang pintuan patungo sa kanilang PUSO, ang lugar kung saan nananahan ang tunay na PAG-IBIG.

 

P.S . Ahh kaya pala gustong gusto ng mga babae or girlfriend na titigan sila sa mga mata nila kapag kinakausap mo sila. Me ganon? :)

 

Basahin at Unawain. At ipaalam sa mga babaeng kilala ninyo.

Palakasin ang kanilang kalooban. At ipaalam sa mga lalaki (tayo) upang ating malaman. :)


4 thoughts on “Bakit umiiyak ang mga Babae.?

  1. Sensitibo tlga ang mga babae.dapat pahalagahan tlga ang mga babae . Normal na sa babae ang umiyak !Hmp. Gnyan yung naging topic nung third year aq .sa aklat nbasa ko yan.kaso english!

  2. babae ang aking ina (kaya nga siya tinawag na ina…kung lalake sana sya eh di tatay ang tawag…duh..) may tatlo akong kapatid na babae at napakaraming kaibigan na XX…madalas ko nga silang nakikitang nag ka krayola…minsan sinasabi ko na naiintindihan ko sila pero ngayon masasabi ko na Mas naiintindihan ko na sila…salamat sa napakagandang kwento…ngunit masasabi ko na hindi kailan man dapat maging pantay ang lalaki at babae…dahil pag nagkataon mas lalo silang kawawa…kelangan ituring silang espesyal…kaya nga may batas na nagproprotect sa karapatan nila kasama ang mga menor de edad…

  3. usapang chromosomes:

    babae: XX
    lalaki: XY

    kung ang agham na mismo ang nagpapatunay na higit ang mga kababaihan sa kalalakihan naniniwala akong dapat ding huwag makulong ang isip nating mga tao na mas nakakahigit ang lalaki kaysa babae dahil ang totoo hindi sa chromomes kundi sa ating mga isipan makakamit ang pantay na pagtingin :)

  4. ipagkakait nyo pa ba sa mga babae ang tanging outlet ng mga paghihirap nila?

    magandang istorya to share :) maraming salamt sa pagbibigay ng pagkakataon saken na mabasa to :)

Anong sa Palagay Mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s