Respeto at Pag-ibig sa bawat isa andiyan pa nga ba?


Eto na ang aking bagong kuwento.

Ako ay muling nabuhayan ng loob para magsulat ng bagong kuwento dahil sa inspirasyong ibinigay ni Miguel sa akin tungkol sa kanyang pagmamahal. :)

Minsan, kapag tayo ay may nagugustuhan na isang tao di ba dumadating diyan ang atraksyon na nagsasabing gusto mo siya at gusto mo siyang makasama.

Minsan nga nawawala ang respeto sa panliligaw pa lang. Pano ba naman kasi merong mga babae ngayon na gusto eh yung sumasabit sila kung baga mga babaeng “coquettish” o yung mga babaeng “malandi” sabi raw nila.

May mga lalaking uhaw sa laman , bisyo at sariling kagustuhan.

Hayaan niyo akong i-relate ko muna ang sitwasyon noong unang panahon.

Isang araw sa pagbabasa ko sa aking matalik na kaibigan na si GOOGLE, meron siyang sinabi sa akin.

Na noong unang panahon ay napaka-titigas ng ulo ng mga tao.

Kaya naimbento ang tinatawag nating “Relihiyon”.

Sa totoo lang ang relihiyon ay isang organisasyon na itinatag para disiplinahin ang mga tao noon.

At dahil sa di magkamayaw na kahalayan ng mga tao noon, ngpasya si Adolf Hitler na magsimulang sakupin ang buong europa.

Katulang ang kanyang matalik na kaibigan na mga vatican ay itinitag niya ang Simbahan ng Roma.

Isang relihiyon na naglalayon paramihin ang mga taong maniniwala sa aral nito sa pamamagitan ng sapilitang pananakop sa isang bansa, sapilitang pagpapahirap at ang sinumang sumuway sa aral nito ay ituturing na isang “erehe” katulad ni Rizal at ito’y papatayin.

Ito ay ang relihiyon ng mga Pagano noong unang panahon.

Noong unang panahon ang Pagano ay sumasamba sa mga Diyos na rebulto at sadyang imahinasyon lamang.

Ilan sa mga ito ay sila Zeus, Aphrodite, Hercules, Poseidon at iba pa.

At ng lumaon ito ay napalitan ng mga Santo.

Pinalitan ito dahil upang ipahayag ang mga tauhang nasusulat sa Banal na Bibliya at upang maging totoo at tuluyang maniwala ang mga Griyego, Israelita at Hudyo na siyang orihinal na mga Kristiyano.

Pero sa kasamaang palad, ito ay ipinagbabawal sa batas ng Diyos. Kaya minsan dahil sa si Hitler ang nagtatag talaga nito ay tinagurian itong Relihiyon ni Satanas ayon sa isang founder ng Protestant Reformation na si Martin Luther King.

Okay, tama na tayo dito sa pananampalataya. Dahil ako man ay hindi sigurado sa mga kuwento ng historian na ito.

Tumungo naman tayo sa pagmamahal para hindi tayo nalalayo sa kuwento :).

Di ba nga minsan, akala natin tunay na at tapat ang pagmamahal natin.

Inaakala natin na mahal na natin sila, at mahal na nila kayo.

Pero minsan o palagi ay nakakalimutan na natin ang gintong kasabihan:

“Kung mahal mo ang isang tao, irespeto mo ang lahat sa kanya”

Lahat, as in halimbawa, mga bagay na gusto nyang gawin, mahalin, kung san man nya gusto pumunta, kung mahal ka nya o hindi ka man nya mahal. Hindi ka dapat mag expect ng anu pa man mula sa kanya.

Wala nang kumplikadong patakaran o rules tulad ng mga sumusunod:

1. Pag nagtext ako, dapat mag reply ka agad. Pano kung busy sya, may importanteng ginagawa o hindi maka-load? Kahit hindi sya mag reply, igalang mo un!

2. Pag sinabihan kita ng I Love You, dapat sumagot ka nag I Love You Too. Tanong ba ang I Love You? Hindi naman di ba? Hindi naman porke hindi sya sumagot ng I Love You Too eh hindi ka na nya mahal.

3. Demanding. Gusto ko sa malayo at magandang lugar, gusto ko maging sexy ka, gusto ko gusto mo rin ang musika ko. Hay nako, hindi pagmamahal yan, panggagamit yan.

4. Ang Boring. Kung sa tingin mo ay boring ka sa relasyon at wala sa mga hilig nyo ang magkatugma, huwag mo na lokohin ang sarili mo na gusto mo pang manatili sa relasyon dahil nagsasayang ka lang ng oras.

5. Em-O-A ( Over-Acting na EMO ).Sila yung mga partner na sumasama ang loob sa di malinaw o di malamang dahilan. Ayaw nilang pag usapan ang problema upang ito ay malutas. Ang sarap nilang ibitin sa poste ng Meralco ng patiwarik.

6. Reporter. Hindi masama ang magsabi ng mga gagawin o ginagawa. Pero may mga partner talaga na gusto ang bawat gawain mo ay nakaulat, updated minu-minuto. Igalang natin kung ano lang ang gustong sabihin sa atin ng partner natin.

7. Tamang Hinala ( T-H ). Ito yung mga partner na wala namang ebidensya pero grabe kung mag akusa. Ang sakit nila sa ulo.

Ito lang ang mga naisip ko sa ngayon.

Hindi ba’t napakasarap isipin  na pag ika’y nagmahal ng walang inaasahang kapalit, ay masusuklian din ng pagmamahal na katulad o minsan, higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo?

Napakaswerte ng mga taong nagmamahal at minamahal din sila ng mga taong mahal nila.

Isa pang importanteng mahalaga ay ang pagtitiwala at pagiging totoo ( kailan ba naging hindi? ). Para sa akin, ito ang pagtitiwala at pagiging totoo:

Kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng buong buo ng walang bahid ng pandaraya at mga kumplikadong patakaran. Kung hindi mo na mahal, ipagtapat mo agad sa kanya at huwag nang maglokohan.

Kahit minsan masakit, at least, malaya ka naman. :)


Tandaan. Iba ang pagmamahal sa panggagamit.

Simple lang ang pagmamahal. Huwag sana natin gawing kumplikado.

Salamat nga pala Miguel para sa makahulugang mensahe na ito. Ni-repost ko para mabasa ng mga masusugid kong tagabasa :).

 

 

 

 

2 thoughts on “Respeto at Pag-ibig sa bawat isa andiyan pa nga ba?

  1. walang anuman, salamat din sa pag repost ng aking sulat kaibigang Pedro. Hehe. At muli ay may makabuluhang impormasyon kang naidag-dag :)

Anong sa Palagay Mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s